Na-feel ko ito dahil binura na nya yung stat nya sa FB (abbreviation ng Facebook) kagabi tapos nung ni-message ko sya kanina sa YM (abbreviation naman ng Yahoo Messenger) eh hindi nagrereply.
Anyway, eto kasi yun. Hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-react sa mga status nya dahil sobrang nawiwirduhan ako na may halong gigil. Ang hirap ipaliwanag ng feelings ko sa tuwing nababasa ko ang stat nya sa FB. Yung feeling na tipong nakakainis na nakakatawa na nawiwirduhan na nababadingan. Amp! Ang hirap talagang i-explain!!! Sana na-gets nyo na yun.
Sya kasi yung tipo ng tao na laging nakalagay sa status nya sa FB yung ginagawa nya. Lagi rin nyang sinasabi sa publiko kung nasaan sya at kung saan sya pupunta. Halimbawa, kapag nasa Starbucks sya, eto yung status nya: @Starbucks. Kapag uuwi naman sya: Going home to Y (variable po yung Y, encrypt ko lang... Hehehe...). Kapag may kinakaing something: is eating chocolate cake (example ko lang yung chocolate cake). Kapag uuwi na galing office at nag-OT ng sobra: ngayon palang uuwi galing work :( (nagpapaawa? nagpapapansin? ewan!!!).
Hindi ko alam kung bakit sya ganun... Feeling ba talaga nya eh maraming sumusubaybay sa buhay nya na tipong kailangan nyang ipagsabi sa buong Facebook community at twitter kung ano man ang ginagawa nya? Artista ba sya? Sikat ba sya? Marami ba syang fans?
Sa tuwing nababasa ko talaga yung mga stat nya eto yung mga lagi kong nasasabi sa likod ng aking isip (at the back of my mind):
- Pakialam namin
- Tinatanong namin?
- Kailangan ba talagang sabihin?
- Eh ano ngayon?
Actually hinihintay ko nalang yung mga ganitong status na i-post nya eh:
- @kusina, kumakain
- @kubeta, tumatae
- @sala, nakaupo
- @Ayala Ave, naglalakad
- @escalator, umaakyat
- @bedroom, nag-aano
Ang cool di ba? Hahaha... Tatawanan ko na nga lang... :P
HAHAHA !! come on, y dnt u just Let him na ma-express watever he wants to express, no need to mind him .. ((: nkktawa nmng icpin, na superr pake-aLamero mu "shaggygeek" .. (: :P
ReplyDeleteGrabe naman kasi kung mag-express yung nilalang na yun... May mga bagay kasi na hindi na dapat sinasabi kasi ang weird na masyado... Hahaha...
ReplyDeleteBOB ONGGON? hahaha
ReplyDeleteHindi naman pre... Hahaha...
ReplyDelete