Thursday, May 5, 2011

Moving Domain... Soon :D

Hindi ako naging active s blog kong ito nung mga nakaraang araw dahil sa sobrang busy at pressure na nadama ko nung mabalitaan kong ako'y ipapadala sa bansang Japan ng wala man lang sapat na panahon para makapaghanda ng lubos.

Anyway, nag-register na ako kanina ng aking bagong domain sa internet.
Hindi pa sya active sa ngayon, needs 24 to 48 hours bago sya ma-activate.

Visit nyo nalang po, http://everardonggon.com (naks! .com na... Hehehe...), yan na kasi yung bago kong domain though dati ko pang domain yan kaso hindi ko na na-maintain sa PhilHosting kasi hindi ko mabayaran yung domain ko sa kanila using PayPal Philippines. Ayaw gumana nung PayPal account ko dito sa Japan eh...
Hindi ko na rin sya pina-activate uli kasi naman, daming spam nung blog ko dun. Pinasok ata ng hacker yung server ng PhilHosting. Kadiri security nila... Hahaha...
Kaya eto, sa 1and1 ako nagregister ng domain ngayon, American-based web hosting, secured and famous web host provider.

Sa website ko na yun, hindi na sya pure blog site... Hindi ko pa alam sa ngayon kung ano mangyayari pero sure na one of the features lang nung website na yun yung personal blog ko. Yun lang :D

Tuesday, March 15, 2011

I'm a Java Game Developer :D

Dahil sa nalalapit na ang pagtatapos ng aking dalawang taong bond sa kasalukuyan kong pinagtatrabahuhan, nagsasagawa na ako ng refresher course para sa aking sarili sa Java programming.
Pinangarap kong maging Java or PHP programmer nung ako'y nasa kolehiyo pa ngunit sa kasalukuyang panahon, ako ay isang C++ programmer. Amf! talaga... Meron namang Java at PHP programming sa kumpanyang pinapasukan ko ngayon kaso lubhang malupit sa akin ang tadhana at nilagay ako sa mundo ng mga embedded systems. Sabi nila, matatalino daw ang napupunta sa embedded systems... Sus! Hindi ako naniniwala, andun ako eh... Hahaha...

Anyways, dahil nagbabalak na akong lumihis ng landas sa mundo ng programming at magbalik-loob kay Java, bigla kong naisipang mag-program sa Java. Nung una ay wala akong maisip dahil hindi ko alam ang dahilan. Hahaha... Dahil ba sa masyado na akong nade-drain sa trabaho para gumana pa ang utak ko sa pag-iisip ng kung anu-ano pa? Masyadong nakakaubos ng likido sa utak ang sobrang stress at pressure sa programming.
Dahil sa wala akong maisip na kapakipakinabang na program, nag-decide nalang ako na gumawa ng game sa Java. Sa tingin ko OK na rin na ito ang ginawa ko dahil kahit papaano nalilibang ako. Yung tipong hindi ako masyadong stressed.
Ang naisip kong gawin ay ang larong Sokoban. Favorite ko ito nung elementary palang ako. Logical game ito na dapat mong mailagay ang mga boxes sa dapat nilang paglagyan pero syempre hindi ganun kadali na mailagay mo silang lahat.
Kung nais mo ng trivia, ang Sokoban ay isang Japanese word na ang ibig sabihin ay Warehouseman. Sa pangalan palang ng laro, siguro naman ay naisip mo na kung ano ang magiging papel mo sa larong ito... Hehehe...
Pero syempre, dahil hindi naman ako isang Hapon, pinangalanan ko itong Porter. Simple lang ang dahilan ko, Porter ang English translation ng Sokoban.
Ginawa ko ang game nitong lunch break lang kanina sa opisina at itinuloy ko ito kanina sa bahay pagkauwi ko. Sa iksi ng oras na ginugol ko sa paggawa nito, wag na kayong mag-expect na sobrang ganda ang pagkakagawa ko dito. At siguro kahit gumugol pa ako ng ilang linggo ay hindi ko talaga ito mapapaganda dahil wala akong talent sa computer designing. Hahaha... Kinuha ko nga lang sa Internet yung mga graphics na ginamit ko sa game eh. :P
Tignan nyo nalang yung picture sa baba yung screenshot ng ginawa kong game.
Inaantok na ako, itutuloy ko nalang ang kwento sa susunod. Hehehe...

Saturday, March 12, 2011

Earthquake in Japan

Bakit ba ito ang topic ko?
Taga-Japan ba ako? Hahaha...
Wala lang, masyado kasi kaming apektado ng kung ano man ang nangyayari dun dahil andun kasi clients namin. At may mga tao kaming naka-assign sa Japan, kaya syempre may pakialam kami sa nangyayari sa Japan.
Oh well, niyanig ng lindol ang parteng malapit sa Tokyo na may lakas na 8.9 magnitude (sobrang lakas nun...). 32 ang namatay sa lindol na yun at napakarami ang nasira. Kung gusto mo ng mas-detailed na impormasyon, i-search mo nalang kay kaibigang Google.
Eto ang topic ko ngayon dahil sobrang baliw talaga ng mga Hapon. Imagine, nililindol na sila, ayaw pa nilang tumigil sa kakatrabaho. May nangyari pa kanina na pinagbawalan kaming mag-access sa server dahil marami daw ang nasira sa server room nila gawa ng aftershock ng lindol. Pero sa pangyayaring iyon, hindi muna kami pinauwi dahil nag-mi-meeting pa yung mga Hapon (habang nililindol sila...). Pinag-uusapan nila kung maaayos ba agad yung server para maka-continue sa trabaho. Ang adik talaga nila!!! Instead na kaligtasan nila yung iniisip nila eh mas priority pa rin nila yung schedule ng project namin.
Mamamatay na sila sa sakuna eh gusto pa rin nila on-schedule ang project. Bawal pa rin ma-delay ang project. Ang mga Hapon talaga... Masyadong dedicated sa work. Napatunayan ko talaga na nabuhay sila para magtrabaho, at hindi nagtatrabaho para mabuhay. Kaya pala maraming nagpapakamatay na Hapon kapag nawawalan sila ng trabaho dahil feeling siguro nila tinanggalan mo na rin sila ng buhay kapag tinanggalan mo sila ng trabaho. Hay nako...

Buti nalang sa Osaka naka-base ang mga team mates namin sa Japan. Kaya lindol lang ang na-feel nila, walang tsunami. Kung sakaling nasa Japan pa ako, ang saya siguro nun kasi first time kong makakaranas ng sobrang lakas na lindol. Hehehe...

Wednesday, March 9, 2011

Some Funny Pics I Found in the Internet

Here are some pics na nakita ko sa internet na natawa ako (yung iba medyo lang... Hehehe...).


Rubik’s cubes aren’t always the best gift idea anyways…


Bus Wrap Design Fail


Quit Touching Your Face!!!

Hahaha... Wala lang...
Sana hindi OT bukas :)

Monday, March 7, 2011

Si Mr. Publicity

Meron akong isang kaibigan na feeling ko ay na-badtrip sa akin kagabi dahil sa pang-aasar ko sa status nya sa Facebook. Actually dalawa kaming nang-aasar sa kanya so hindi ko alam kung nabadtrip din sya dun sa isa.
Na-feel ko ito dahil binura na nya yung stat nya sa FB (abbreviation ng Facebook) kagabi tapos nung ni-message ko sya kanina sa YM (abbreviation naman ng Yahoo Messenger) eh hindi nagrereply.
Anyway, eto kasi yun. Hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-react sa mga status nya dahil sobrang nawiwirduhan ako na may halong gigil. Ang hirap ipaliwanag ng feelings ko sa tuwing nababasa ko ang stat nya sa FB. Yung feeling na tipong nakakainis na nakakatawa na nawiwirduhan na nababadingan. Amp! Ang hirap talagang i-explain!!! Sana na-gets nyo na yun.

Sya kasi yung tipo ng tao na laging nakalagay sa status nya sa FB yung ginagawa nya. Lagi rin nyang sinasabi sa publiko kung nasaan sya at kung saan sya pupunta. Halimbawa, kapag nasa Starbucks sya, eto yung status nya: @Starbucks. Kapag uuwi naman sya: Going home to Y (variable po yung Y, encrypt ko lang... Hehehe...). Kapag may kinakaing something: is eating chocolate cake (example ko lang yung chocolate cake). Kapag uuwi na galing office at nag-OT ng sobra: ngayon palang uuwi galing work :( (nagpapaawa? nagpapapansin? ewan!!!).
Hindi ko alam kung bakit sya ganun... Feeling ba talaga nya eh maraming sumusubaybay sa buhay nya na tipong kailangan nyang ipagsabi sa buong Facebook community at twitter kung ano man ang ginagawa nya? Artista ba sya? Sikat ba sya? Marami ba syang fans?
Sa tuwing nababasa ko talaga yung mga stat nya eto yung mga lagi kong nasasabi sa likod ng aking isip (at the back of my mind):
  • Pakialam namin
  • Tinatanong namin?
  • Kailangan ba talagang sabihin?
  • Eh ano ngayon?
Waahhh!!! Ang weird talaga nya. Nababadingan talaga ako sa ginagawa nyang yun. Kaibigan ko sya at sinabi ko na rin talaga sa kanya ng harapan na bakit nya kailangang sabihin ang mga ganung bagay. Pero talagang ganun sya. So wala na akong magagawa. Hindi ko nalang siguro babasahin mga status nya.

Actually hinihintay ko nalang yung mga ganitong status na i-post nya eh:
  • @kusina, kumakain
  • @kubeta, tumatae
  • @sala, nakaupo
  • @Ayala Ave, naglalakad
  • @escalator, umaakyat
  • @bedroom, nag-aano

Ang cool di ba? Hahaha... Tatawanan ko na nga lang... :P

On My Way Home from Thesis Defense

Sobrang nakakapagod ang araw na ito. Imagine 8hrs akong nanggigisa kanina ng mga estudyante sa mga thesis nila na pinaghirapan nila ng buong semester (at yung iba eh mukhang pinaghirapan lang ng isang linggo, hehehe...).
Nakakapagod pero masaya dahil nakasama ko sa pagpapanel ang isa kong matalik na kaibigan. Sa tingin ko kami lang ata ang grupo na ang mga nagdedefense eh tawa ng tawa kahit sobrang barado na sila sa mga kapalpakan ng thesis nila. Hindi ko talaga maiwasang humirit ng mga jokes ko lalo na kanina na kasama ko ang kaibigan kong matindi pa sa akin kung magpatawa. Hehehe...
Common mistake ang spelling na "recieve" sa mga ginawa nilang Sales and Inventory System. Sa bagay, kasama sa 100 most often misspelled words in English ang salitang "receive". Pero dahil IT students sila at isa akong programmer, hindi na ako nagpaka-OC sa spelling and grammar.
Ipinasa namin silang lahat, may gusto sana akong i-redefense na dalawang grupo kaso sobrang bait ng dalawang kasama ko kaya nahawa na rin ako. Hahaha...

After ng defense, kumain lang ako saglit sa Tropical Hut kasama ang mga College friends ko tapos diretso uwi na.
Pagdating sa bahay, pahinga konti tapos byahe uli pabalik sa apartment na tinutuluyan ko sa Makati (kung saan ko inilalathala ang kalokohang ito...).
Sumakay ako ng Taxi from Malabon to Makati (dahil hinihika ako sa ngayon at bawal akong makalanghap ng usok... Arte ko no??? Hehehe...).

Habang nakasakay sa taxi, nakakwentuhan ko si manong driver. Ang daldal nya, sobra... Galing daw syang Cavite, may isinakay syang pasahero from Cavite to Malabon, at masasabi kong napakabuti ng tadhana sa kanya dahil after nyang magbyahe ng pagkalayo-layo, may maisasakay syang isang tulad ko sa liblib na lugar ng Malabon. Hahaha...
Balik tayo sa kwentuhan namin ni manong driver. Unang pinag-usapan namin yung pagiging delikado ng mangilan-ngilang daan sa Malabon at Navotas. Agree naman ako dun base na rin sa mga sabi-sabi na naririnig ko sa mga kakilala, biktima, at mga wala lang magawa sa buhay. Delikado talagang dumaan sa mga squatters area sa may bandang C4 road at sa highway (na merong mga squatter) papuntang Luneta Park (Roxas Boulevard na ata yun...). Ang ginagawa kasi nila ay nanghaharang sila ng Taxi tapos sapilitan nilang bubuksan ang pinto para mangholdap. Swerte at hindi pa naman ako nadadale sa mga hot spot ng krimen na yun.

Eto ang usapan namin kanina:
Ako: Kapal talaga ng mukha nila. Squatter na nga sila namemerwisyo pa.
Manong: Oo nga eh. Ang sasama nila.
Ako: Dapat kasi sa mga squatter na walang matinong trabaho dito eh bumalik nalang sa mga probinsya nila.
Manong: Oo, dapat bumalik na sila, kaysa naman sa nanghoholdap sila dito. Kung pupunta dito dapat meron ng trabaho. Hindi dapat mapili, kahit katulong lang muna. (eto yung panalong line) O kaya kung lalake ka tapos pupunta ka ng Maynila, manligaw ka agad ng babaeng may bahay para dun ka muna makitira habang wala ka pang trabaho. Kaya dapat mabilis kang manligaw. One week dapat mapasagot mo agad yung babae.
Ako: (hindi na ako nakasagot, tameme ako sa paniniwala ni manong... Hahaha...)

Nanahimik ako ng ilang minuto para umiwas sa usapan. Na-feel ko kasi na isa pang praning itong kausap ko.
Muling bumanat si Manong...
Manong: Kung kukuha ka ng babae dapat sa squatter...
Ako: Ha? (gusto ko lang ng explanation sa sinabi nya...)
Manong: Magaganda kasi ang mga babae sa squatter. Ayusan mo lang yan. Tsaka malilinis sila (feeling ko talaga nung mga time na yun nagbebenta sya ng babae eh...) pero dapat bantayan mo sila kasi kapag hindi mo yan binantayan, malilikot mga yan.
Ako: ... (na-wirduhan na ako ng tuluyan)
Dahil sa mga sinabi nyang iyon, napunta ang topic sa isa sa mga yugto ng buhay ng kanyang boss.
Babaero daw kasi boss nya tapos ang dinadale eh mga magagandang babaeng squatter sa iba't-ibang lugar. Feeling ko talaga na-amaze sya sa sinabi ng boss nya na...
"Instead na sa Club ako mambabae, dito nalang sa mga squatter, at least natulungan ko pa sila"
Hayop na kawang-gawa yun ah... May halong kalibugan. Hahaha...
Masmaganda naman siguro na gumawa ka ng mabuti ng hindi ka gumagawa ng masama... Tama ba?
Eto po yung isang banat nya na nagpatanggal ng antok ko sa sobrang kagimbalan...
"OK yung ginagawa ni Boss, at least kung kailangan nya ng dadalihin, eh marami syang pagpipilian. Ang babata at magaganda pa."

Hay nako manong... Hindi ko alam kung seryoso ka ba sa mga pinagsasasabi mo... Pero dahil nalibang nya ako habang nasa byahe, binigyan ko sya ng tip. Hehehe...

Saturday, March 5, 2011

My Only Way to...

Oh well, ginawa ko ang blog na ito para lang maglabas ng aking mga saloobin.
At magtanggal din ng aking pang-araw-araw na stress.
Hindi maiiwasan ang stress sa isang programmer na gaya ko lalo na kung nagtatrabaho ka sa isang kumpanya ng mga Hapon at ang mga kliyente mo ay Hapon din.
Ang sabi ng nakararami... Japanese people are workaholic...
Pero eto lang ang masasabi ko sa inyo... Batay sa aking karanasan, hindi sila workaholic... Mga baliw sila... Hahaha...
Kapag sila ang nag-schedule ng trabaho, laging beating the impossible (possible naman kung kakalimutan mong ikaw ay isang tao na kailangan din ng pahinga at pakikipagkapwa-tao sa labas ng trabaho).
Inuubos nila ang oras kaka-meeting para lang sa isang napaka-simpleng bagay at ibibigay sayo ang trabaho kung kailan 15mins nalang eh uwian mo na. Ang nakakaasar pa dun, within the day mo lang sya dapat tapusin, so automatic OT na. Napaka-demanding nila sa oras na tipong sobrang maximized ng 8-working hours mo. Yung tipong kailangan mong mag-OT ng 5mins dahil nag-CR ka kanina at inabot ka ng 5mins sa banyo.
Enough na sa kanila, lalo akong naii-stress eh... Stress reliever ko nga toh eh... Hahaha...

Hindi ko hangad ang sumikat o kumita ng pera sa blog na ito (pero kung hindi maiiwasan eh di mas OK, hehehe...). Ang nais ko lang ay ilathala sa blog na ito ang kahit na anu mang nais kong ilathala.
Kung iniisip mo naman eh kung bakit isinisiwalat ko pa ito sa internet, eto lang ang sagot ko dyan... Gusto ko lang na mabasa mo. Hindi naman ako maglalagay ng kahit anong against sayo kaya walang dahilan para pagsimulan ng away. Hehehe...
Ang isipin mo nalang, ang blog na ito ay trip ko lang. As in wala lang... Basahin mo o hindi, bahala ka. Basta wag mo lang akong mumurahin sa comment ha??? Hehehe...

Bukas ay panibagong stress nanaman sa buhay ko dahil naimbitahan ako ng isang kilalang pamantasan sa Pilipinas na mag-panel sa mga magde-defense ng kanilang thesis. To be honest, hindi ko binasa yung mga documents ng mga estudyante. Nakakatamad eh... Hehehe... Ang haba-haba, paulit-ulit lang naman yung sinasabi. At malamang 40% ng pagka-kapal-kapal na document na yun eh copy-paste lang from internet. Hahaha...
Makikinig nalang ako sa mga sasabihin nila bukas, kasi kung ano man yung sasabihin nila, yun na yung summarized version ng mala-libro nilang dokumento. Hehehe...
Maaga ang thesis defense bukas, kailangan ko ng matulog. Ayoko namang tulugan ang mga estudyanteng nagpakahirap ng buong semestre bukas.
Magkukwento nalang uli ako after ng mangilan-ngilang mangyayari sa buhay ko. :)